Kapag naguguluhan ka na, kapag lahat sila iniwanan ka at wala ka ng taong malapitan. Sana maalala mo akong puntahan at di ako magdadalawang isip na damayan ka hanggang sa maging ok ang lahat.
Ang love parang Basketball, jumpball sa umpisa, time-out kapag pagod na, foul kapag nasasaktan kana. Pero ang pinakamasakit dun ay yung malamang GAME OVER na nga...tapos uuwi ka pang TALUNAN!
Nakakabadtrip kapag yung close friend mo crush mo...mahirap itago, dedma ka lang kapag kinukulit ka niya. Tablado kapag lumalapit, pero minsan kapag naglalambing , kulang na lang na sabihin mong "tama na please! Tumigil ka na kung pwede lang...na-iinlove na kasi ako sa'yo!"
Madaming nagsasabi sa'kin na sana matauhan na ako dahil hindi mo naman ako mahal at kailanman hinding hindi mangyayari yon. Alam mo ang sagot ko? "Ok lang, hindi naman ako umaasa na masusuklian niya lahat ng ginagawa ko. MAHAL KO LANG TALAGA."
Pwede naman tayong magsama kahit kailan natin gustuhin, Sabi nga ng iba, lahat ng bagay pwedeng gawin kung gugustuhin lang. Pero ang problema, di lahat ng "pwede" ay "dapat". Parang tayong dalawa, PWEDE PERO DI DAPAT...